dzme1530.ph

 Alex Eala at French partner na si Estelle Cascino, waging napadapa ang katunggali sa doubles

Naungusan nina Pinay tennis ace Alex Eala at French partner na si Estelle Cascino sa doubles ng ITF W75 Croissy-Beaubourg kontra top-seeds na sina Jessika Ponchet at Maia Lumsden noong Sabado.

Dahil sa dedikasyon at pagpapakita ng angking liksi at galing, ang pinag-samang lakas ng Pinay at French players, nanguna ang dalawa sa winning score na 7-5, 7-6 (4).

Ito na ang ikalawang koronang nasungkit ni Eala sa doubles, matapos ang huling laban noon sa W50 Pune sa India noong Enero, kung saan katambalan nito si Latvian Darja Semenistaja.