![]()
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa level 2 ang alerto sa Mayon Volcano sa Albay.
Ito’y matapos maitala ng ahensya ang 47 rockfall events noong dec. 31, 2025, na pinakamataas na insidente sa loob lamang ng isang araw sa nakalipas na taon.
Binigyang diin ng PHIVOLCS na tumaas sa 21 events per day ang average rockfall noong huling linggo ng Disyembre mula sa average na 10 events per day noong huling dalawang buwan ng 2025.
Na-detect ng PHIVOLCS ang ground deformation malapit sa Bulkang Mayon, na isang indikasyon na maaring umaakyat ang magma at hydrothermal fluids.
Dahil dito, binalaan ng mga awtoridad ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer-radius permanent danger zone upang makaiwas sa panganib.
Pinayuhan din ang mga residente malapit sa bulkan na maghanda sa posibleng ashfall at sumunod sa kautusan ng mga awtoridad.
