Wala pang indikasyon para itaas sa alert level 4 ang sitwasyon sa bulkang Mayon.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) resident volcanologist sa Mayon Volcano Observatory Paul Alanis, sa pinakahuling bulletin ay nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkang mayon.
Aniya isa sa tinitingnang parametro ng PHIVOLCS para itaas ang babala sa bulkan ay ang lakas at dalas ng volcanic earthquakes.
Base sa bulletin, sa ngayon ay stable ang bulkan at nakapagtala lamang ang ahensya ng isang volcanic earthquake at 64 rockfall events bagamat mayroon ding “gentle” o “quiet” eruption.
Sinabi ni Alanis na posibleng umabot sa 25,000 residente ang maaapektuhan sa probinsya ng albay kung itataas ang babala ng bulkan sa alert level 4. —sa panulat ni Jam Tarrayo