dzme1530.ph

Alegasyong pagsira ng China sa coral reefs sa WPS, kinondena ng DENR 

Kinondena ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang alegasyong pagsira ng China sa coral reefs sa West Philippine Sea (WPS).  

Sa inilabas na statement, sinabi ng DENR na napatunayan sa mga pag-aaral na ang marine ecosystem sa Kalayaan Island group ay napakahalaga para sa suplay ng isda at coral larvae sa Pilipinas at sa rehiyon. 

Kaugnay dito, mariing tinututulan ng ahensya ang anumang aktibidad na sumisira sa coral reefs sa Kalayaan Islands.  

Nakikiisa rin ito sa panawagan ng iba’t ibang bansa kaugnay ng pagsunod sa Article 192 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), hinggil sa pag-protekta at pangangalaga sa marine environment.  

Handa rin itong sumuporta sa anumang legal remedies na gagawin ng Pilipinas kaugnay ng insidente. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author