Muling itinanggi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gagamitin ang Charter Change para palawigin ang termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno.
Nilinaw ng Pangulo na ang isinusulong na amendments sa Saligang Batas ay nakatutok lamang sa economic provisions, tulad ng ownership sa mga korporasyon.
Tiniyak din ni Marcos na hindi gagalawin sa cha-cha ang political structure ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya alam kung saan nanggaling ang alegasyon, ngunit sigurado umanong ginagamit lamang ito bilang isyu na pampukpok sa kanilang mga ulo.
Mababatid na binanatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang cha-cha na gagamitin umano upang mapalawig ang termino ng mga nakaupong opisyal.