Seryoso ang naging alegasyon laban kay dating Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pagtulong nito sa reapplication para sa lisensya ng ni-raid na POGO company na Lucky South 99.
Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa naging testimonya ni PAGCOR Chief Alejandro Tengco sa pagdinig ng Senado kahapon ukol sa POGO.
Sinabi ni Escudero na kung sinuman ang inaakusahan ay may karapatan na kaharapin at sagutin ang nag-aakusa sa kanya para maibigay ang kanyang panig.
Umaasa rin ang senate leader na tutugunan ni Roque ang imbitasyon ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na humarap sa susunod na pagdinig.
Iginiit ni Escudero na dapat gamitin itong oportunidad ng dating kalihim para ipaliwanag ang kanyang panig.