![]()
Isang simpleng gawain na madalas ipinagwawalang-bahala—ang pagsuot ng medyas habang natutulog.
Ayon sa mga eksperto, ang pagsusuot ng medyas sa gabi ay makatutulong upang mas mabilis na makatulog.
Ito ay dahil ang pagiging warm ng mga paa na nakakatulong sa pagluwag ng mga ugat ay senyales sa utak na panahon na para matulog.
Dagdag pa rito, nakakatulong din ang medyas sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, lalo na sa mga taong madalas makaramdam ng lamig sa mga kamay at paa.
Ayon sa mga eksperto, ang mas maayos na daloy ng dugo ay magdudulot ng mas malalim at mas mahabang tulog.
Sa mga may kondisyong tulad ng Insomnia, maaari rin makatulong ang pagsuot ng medyas bilang bahagi ng “sleep routine” upang mapabuti ang kalidad ng pahinga.
Ngunit paalala ng mga eksperto, siguraduhin na malinis at hindi masikip ang medyas na gagamitin upang maiwasan ang iritasyon sa balat o hadlang sa maayos na sirkulasyon.
