dzme1530.ph

ALAMIN KUNG BAKIT TINAWAG NA SUPERFOOD ANG BUKO

Loading

Patuloy na pinahahalagahan ng mga eksperto sa kalusugan ang mga natural na pagkain, at isa sa mga itinuturing na superfood ay ang buko—partikular ang coco water at coco meat—dahil sa taglay nitong mga nutrisyon na mahalaga sa katawan.
 
Ayon sa mga pag-aaral, ang coco water ay isang natural na inumin na mayaman sa electrolytes tulad ng potassium, magnesium, at sodium.
 
Dahil dito, epektibo ito sa pagpapalit ng nawawalang likido sa katawan, lalo na matapos mag-ehersisyo o sa mga panahong mainit ang panahon.
 
Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng tamang balance ng likido at pag-iwas sa dehydration.
 
Bukod dito, sinasabing makatutulong ang coco water sa pagpapababa ng blood pressure dahil sa mataas nitong potassium content, na mahalaga sa kalusugan ng puso.
 
Samantala, ang coco meat o laman ng buko ay mayaman naman sa healthy fats, fiber, at mahahalagang bitamina at minerals.
 
Ang mga natural na taba na matatagpuan dito ay maaaring magbigay ng energy at makatulong sa pagpapalakas ng metabolism.
 
Nakakatulong din ang coco meat sa maayos na pagtunaw ng pagkain dahil sa taglay nitong fiber, na mahalaga para sa malusog na bituka at pag-iwas sa constipation.
 
May mga pag-aaral din na nagpapakita na ang mga compounds sa niyog ay may antimicrobial properties na maaaring makatulong sa paglaban sa ilang uri ng bakterya at virus.
 
Gayunman, paalala ng mga eksperto na bagama’t masustansya ang coco meat, dapat pa ring kontrolado ang pagkain nito dahil sa taglay nitong calories at fat.

About The Author