dzme1530.ph

ALAMIN KUNG BAKIT TINAWAG ANG PAG-UPO NG ORAS BILANG ‘THE NMAHABANG EW SMOKING’

Loading

Tinatawag na ngayon ng mga eksperto ang pag-upo ng mahabang oras bilang the new smoking.

 

Ito ay dahil may magkapareho ng masamang epekto sa kalusugan ang paninigarilyo at pag-upo nang matagal.

 

Dahil sa pag-upo nang maghapon sa trabaho o sa anumang ginagawa, bumagal ang blood circulation sa binti at sa puso.

 

Bunsod nito tumataas ang panganib na magkaroon ng blood clots, varicose veins, at heart disease.

 

Bukod dito, pinalalala rin ng mahabang oras na pag-upo ang insulin resistance ng katawan dahil hindi nagagamit ang sobrang sugar-intake bilang energy.

 

Kaya naman kahit hindi mahilig sa matatamis na pagkain ay patuloy ang pagtaas ng blood sugar.

 

Dagdag pa rito, humihina ang ating core at nasisira ang posture na kadalasang nagdudulot na rin ng pananakit ng katawan dahil nakakaramdam na ng stiffness sa likod at maging sa bewang.

 

Dapat tiyakin nating nakakapagstretching kada 30 minuto at kung kakayanin ay maglakad. Gumamit ng hagdan sa halip na elevator o escalator.

 

Hindi naman kinakailangan ang mabilis na paggalaw, ang mahalaga ay ang madalas na pagkilos.

About The Author