![]()
Bahagi ng tamang hygiene na itinuturo sa atin ang pagsisipilyo pagkatapos kumain.
Brushing 3x a day nga raw ang dapat nating nakagawian.
Pero may mga pag-aaral na nagsasabing hindi makabubuti sa ating ngipin ang pagtu-toothbrush agad pagkatapos kumain.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na kada matapos kumain ay nagiging acidic ang ating mga ngipin kaya’t lumalambot ang enamel nito.
Dahil dito nagiging sensitive ang mga ngipin at mabilis mabulok.
Ipinapayo na matapos kumain ay magmumog muna ng tubig para matanggal lang ang mga nakasingit na pagkain sa ating ngipin.
At kung magsisipilyo ay gawin ito 20-30 minutes matapos kumain.
