![]()
Bagama’t madalas na biglaan ang atake sa puso, may mga sintomas na itong ipinapakita na maaaring hindi natin pinapansin.
Una, may kakaibang pressure o kakaibang pakiramdam na naiipit o nadadaganan ang dibdib sa gitna o kaliwang bahagi.
Maaari ring burning sensation ito na tulad ng pakiramdam ng gerd o acid reflux.
Number 2, namamanhid, kumikirot o may discomfort sa isang braso na pweedeng umabot sa leeg, panga, likod at sa sikmura.
Number 3, biglang bumibigat at humihina ang braso.
Number 4, nanghihina kahit wala ka naman masyadong ginawa na hindi maipaliwanag.
Number 5, hinahapo kahit wala namang nagbago sa usual routine.
Kung nakakaramdam ng isa sa mga ito, mas mabuting mag-pacheck up na sa inyong mga doktor.
