dzme1530.ph

ALAMIN ANG TAMANG ORAS NG PAGKAIN NG MGA PRUTAS

Loading

Masarap at masustansya ang mga prutas pero mas maaabsorb ng katawan ang nutrients na dala nito kung kakainin sa tamang oras.

 

Ang saging ay dapat na kinakain bago mag-ehersisyo o pagja-jogging at paglakad, subalit hindi advisable na kainin ito sa gabi.

 

Ang ubas naman ay magandang gawing snack sa pagitan ng bawat meal pero dapat ay kontrolado lamang din ang dami dahil magdudulot din ito ng mataas na blood sugar.

 

Ang apple o mansanas ay best food sa umaga lalo na kung wala pang laman ang tiyan dahil nakakatulong ito sa pagtunaw ng pagkain.

 

Ang best time naman sa pagkain ng pakwan, mangga at orange ay umaga o sa maghapon at hindi ipinapayo sa gabi.

 

Ang pagkain ng pakwan sa gabi ay magdudulot ng upset stomach, habang extra sugar naman ang dulot ng pagkain ng mangga sa gabi at ang vitamin C ng orange ay mas epektibo sa umaga.

 

Ang pinya naman ay dapat kinakain pagkatapos ng bawat meal dahil nakatutulong sa digestion ang fiber na taglay nito.

About The Author