![]()
Marami na sa mga Pilipino ang umiiwas sa karne upang hindi madagdagan ang timbang at bilang pag-iingat sa kalusugan.
Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na kumain ng tofu o tokwa bilang alternatibo sa karne.
Ang tofu ay tinatawag na simple, complete and powerful superfood dahil sa taglay na mga amino acids na kailangan ng katawan.
Ang isang serving ng tofu na 100 grams ay may 80 calories, 10 grams ng protein, 4 to 5 grams ng fat at 2 grams ng carbohydrates.
Mataas ang protinang taglay nito subalit mababa ang carbohydrates at mayroon ding healthy fat.
Nakatutulong ang tofu sa muscle building, bone strength, heart health, hormonal balance, blood sugar control at pagpapababa ng bad cholesterol.
Para sa mga babae, nakakatulong din ang tofu na mabawasan ang menopausal syndrome.
Maaaring ma-enjoy ang tofu bilang adobo, sigsig o kahit ihalo sa gulay maging sa salad at dessert o snack.
