dzme1530.ph

ALAMIN ANG SAMPUNG SENYALES NG THYROID PROBLEM

Loading

Mahalagang palagi nating bantayan ang mga senyales na ipinapakita ng ating katawan upang maagapan ang anumang karamdaman. 

 

Narito ang 10 senyales ng thyroid problem: 

 

Una, biglaang pagbabago ng timbang. ang hypothyroidism ay nagdudulot ng pagtaas ng timbang habang ang hyperthyroidism ay nagdudulot ng pagpayat.

 

Ikalawa, palaging pagod kahit wala namang ginagawa at kumpleto sa tulog.

 

Ikatlo, hindi maipaliwanag na kabog sa dibdib.

 

Ikaapat, palaging giniginaw o kaya naman ay nakakaramdam ng matinding init.

 

Ikalima, nalalagas ang buhok o nagiging manipis ang kilay 

 

Ikaanim, nagbabago pattern ng dumi.

 

Ikapito, madalas makaranas ng sintomas ng anxiety o kaya naman ay depression 

 

Ikawalo, nakakakita o nakakaramdam ng bukol sa leeg 

 

Ikasiyam, kung laging iregular ang menstruation o hirap sa pagbubuntis 

 

At sampu, madalas na nanginginig ang kamay o pawisin at kinakakabahan.

 

Kung merong tatlo o higit pang napansin sa mga ito, mas maiging magtungo sa doktor ta magpatest ng TSH.

About The Author