dzme1530.ph

ALAMIN ANG NIGHTTIME PANIC ATTACK AT ANO ANG MGA DAPAT GAWIN PARA ITO AY MAIWASAN

Loading

Ang nighttime panic attack ay nangyayari kapag overactive stress habang natutulog.

Ayon sa mga eksperto, nangyayari ito kapag sobra ang stress level o cortisol level natin sa katawan sa umaga.

Kaya pagdating ng gabi, hindi pa rin relax ang nervous system natin.

Maaari rin itong nakalink sa anxiety o depression na lumalabas lang kapag tahimik ka na o tulog ka na.

Sintomas nito ay ang biglang paggising sa gabi na kumakabog ang dibdib at pinagpapawisan.

Maaari itong maiwasan kung sa umaga ay babantayan mo ang triggers mo o ang mga bagay na nagdudulot ng labis na stress sa’yo.

Kapag natukoy mo ang mga ito, subukan mo itong iwasan.

Dapat magkaroon ka rin ng de-stressing routine bago matulog para matiyak na relax ang iyong katawan.

Iwasan na rin ang mga stimulants tulad ng kape sa hapon.

At kung madalas na itong mangyari ay mas mabuti nang humanap ng professional help.

About The Author