dzme1530.ph

ALAMIN ANG NEGATIBONG DULOT NG SOBRA-SOBRANG DOSAGE NG ILANG VITAMINS

Loading

Mahalaga ang araw-araw na pag-inom ng vitamin supplement upang mapalakas ang ating katawan at mapanatili ang magandang kalusugan. 

 

Subalit tulad ng kasabihan ang anumang sobra ay masama. kaya narito ang ilan sa mga bitamina na dapat ay sapat lamang ang dosage. 

 

Una ang vitamin D3 na isang fat soluble subalit kapag nasobrahan sa 1,000 iu ang daily dosage ay maaaring magdulot ng kidney stones at makasira sa bato.

 

Ikalawa ang vitamin C na maganda sa immune system at sa ating balat subalit kapag mas mataas sa 500 mg ang iniinom ay maaaring magdulot din ng kidney stone at posibleng maging dahilan din ng gerd o hyperacidity.

 

Ikatlo, ang sobra-sobra o higit sa 900 micrograms an dosage ng vitamin a ay maaaring magdulot ng pagsira ng atay.

 

At ikaapat, kidney stones at heart disease naman ang maaaring idulot ng higit sa 1000 mg na daily dosage ng calcium. maaari rin itong magdulot ng constipation.

 

Tandaan na dapat sapat lamang ang dosage upang mas maging mabisa ang mga bitamina sa ating katawan.

About The Author