![]()
Dumarami ang mga ulat ng mga Pilipinong nakararanas ng sleep paralysis o ang hindi makagalaw sa paggising o pagtulog, na kadalasang nagdudulot ng matinding takot at pagkabalisa.
Ayon sa mga eksperto, ang sleep paralysis ay nangyayari kapag nagigising ang isip ng isang tao ngunit nananatiling hindi pa ganap na aktibo ang kanyang katawan.
Kalimitan ito sa mga taong kulang sa tulog o may iregular na oras ng pagtulog.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang hindi makagalaw o makapagsalita kahit gising na, pakiramdam na may mabigat na nakadagan sa dibdib, hirap sa paghinga, at minsan ay pagkakaroon ng malinaw na mga panaginip o hallucinations.
Bagama’t nakakatakot, nilinaw ng mga eksperto na hindi ito mapanganib at kadalasang tumatagal lamang ng ilang segundo hanggang ilang minuto.
Upang maiwasan ang sleep paralysis, inirerekomenda ang pagpapanatili ng regular na oras ng pagtulog at paggising, pag-iwas sa puyat, at pagbabawas ng stress.
Makatutulong din ang pagtulog nang nakatagilid sa halip na nakadapa o nakatihaya.
Pinapayuhan din ang mga nakararanas nito na iwasan ang sobrang pag-inom ng kape at paggamit ng gadgets bago matulog dahil maaari itong makaapekto sa kalidad ng tulog.
Ang sleep paralysis ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng maayos na sleep habits at malusog na pamumuhay.
