dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA SINTOMAS NG KAKULANGAN SA COLLAGEN

Loading

Nagbabala ang mga eksperto na ang kakulangan sa collagen sa katawan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang problema, kabilang ang pananakit ng kasukasuan at kalamnan.

 

Ayon sa mga pag-aaral, ang collagen ay isang mahalagang protina na nagsisilbing building block ng ating mga buto, balat, buhok, at kuko.

 

Tinatayang 90 porsiyento ng istruktura ng buto ay may kaugnayan sa collagen, kaya’t mahalaga ito sa pagpapanatili ng tibay at lakas ng katawan.

 

Kapag kulang ang collagen, maaaring makaranas ng:

  • Pananakit ng joints at muscles
  • Pagnipis ng buhok
  • Pagkakaroon ng kulubot sa balat
  • Mahinang tubo o marupok na kuko
  • Pagkahina o pagiging marupok ng mga buto

 

Ipinaliwanag ng mga eksperto na natural na bumababa ang produksyon ng collagen habang tumatanda, ngunit maaari rin itong maapektuhan ng hindi balanseng pagkain at hindi malusog na lifestyle.

 

Upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na collagen, inirerekomenda ang pagkain ng mga pagkaing mayaman dito gaya ng balat ng isda, puti ng itlog, at sabaw ng bulalo.

 

Bukod dito, mahalaga rin ang pagkakaroon ng sapat na bitamina tulad ng Vitamin C, na tumutulong sa natural na paggawa ng collagen sa katawan.

About The Author