dzme1530.ph

Alamin ang istratehiyang “4-7-8 breathe” upang mabilis na makatulog!

Mayroong technique na kung tawagin ay “4-7-8 breathe” upang mabilis makatulog.

Narito ang mga hakbang na dapat gawin para sa 4-7-8 breathe:

Una, huminga ng malalim gamit ang ilong sa loob ng apat na segundo.

Pangalawa, pigilan ang paghinga sa loob ng pitong segundo at pangatlo, mag-exhale gamit ang bibig sa loob ng walong segundo.

Sa paliwanag ni Hypnotist Consultant Harley Sears, ang naturang ehersisyo ay nakatutulong upang mapuno ng hangin ang ating baga, na paraan para mas maraming oxygen ang dumaloy sa ating katawan upang mas ma-relax at agad na makatulog. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author