![]()
Habang nagkakaedad ang tao, natural na bumabagal ang pagproseso ng utak at bahagyang humihina ang memorya.
Ang dash diet, o dietary approaches to stop hypertension, ay makakatulong mapababa ang panganib ng paghina ng memorya at pag-iisip.
Pinapababa ng dash diet ang presyon ng dugo at pinapangalagaan ang mga daluyan nito, na mahalaga para sa tama at sapat na sirkulasyon ng dugo at buong katawan.
Ang pagkain ng mas maraming gulay, prutas, whole grains, at mani, kasama ang pagliliimita ng processed na karne at matatamis na inumin, ay nakakatulong bawasan ang inflammation sa utak.
Ayon sa mga eksperto, sapat ang pagkain ng mga ito upang mapangalagaan ang ating isipan habang tumatanda.
