dzme1530.ph

ALAMIN ANG IBA PANG GAMIT NG USED TEA BAGS PARA SA ATING KATAWAN

Loading

Malaking tulong ang tsaa para mapagaan ang ating katawan lalo na kung napasobra ang kain.

 

Pero ang used tea bags ay may iba pang pakinabang para sa ating katawan.

 

Maaaring gamitin ang wet tea bags kung mayroong sunburn sa mukha o sa anumang parte ng katawan.

 

Ang natural antioxidant nito ay nakakatulong malunasan ang irritated skin.

 

Maaari ring ilagay ang used tea bags sa surprise zit o biglaang pimple dahil ang antibacterial property ng tsaa ay nakababawas sa inflammation.

 

Maaari ring palamigin sa loob ng ref ang used tea bag at ilagay sa ilalim ng mata upang malunasan ang puffy eyes.

 

At panghuli, kapag natuyo ang gamit na tea bag ay maaari itong ilagay sa loob ng sapatos upang matanggal ang hindi kaaya-ayang amoy.

About The Author