![]()
Masarap na almusal sa umaga ang sinangag.
Pero dapat maging maingat din dahil baka ospital ang kabagsakan kapag tinaamaan ng Fried Rice Syndrome.
Sa pag-aaral, nabubuhay sa lumamig na sinangag o maging sa bahaw na kanina ang Bacillus cereus na nagdudulot ng toxins.
Kapag tinamaan ng toxins na ito ay magdudulot ito ng diarrhea at panghihina o mga sintomas ng food poisoning.
Kaya dapat hindi hayaang nakatiwangwang ang kanin at mas maiging ilagay ito sa refrigerator dahil pinatutulog ng lamig sa ref ang Bacillus cereus.
Ireheat nang maigi ang sinangag at kainin ito habang mainit pa.
May mga pag-aaral din na nakatutulong na maibaba ang glycemic index o sugar content ng kanin ang pagpapalamig dito sa refrigerator at pagreheat ng mabuti.
