dzme1530.ph

ALAMIN ANG EPEKTO NG IBA’T IBANG ANTI-HYPERTENSIVE MEDICINES

Loading

Mahalaga ang tamang gamutan laban sa altapresyon o hypertension, na isa sa mga pangunahing sanhi ng sakit sa puso at stroke.
 
Ayon sa mga doktor, ilan sa mga karaniwang inireresetang gamot ay kabilang sa klase ng angiotensin receptor blockers o ARBs, na tumutulong sa pagpapaluwag ng mga ugat ng dugo para mapababa ang presyon.
 
Kabilang sa mga ito ang losartan na karaniwang unang ibinibigay sa mga pasyente dahil sa epektibo at abot-kayang presyo.
 
Sumusunod naman ang candesartan na kilala sa mas matagal na epekto nito sa pagkontrol ng blood pressure.
 
Ginagamit din ang telmisartan, na may karagdagang benepisyo para sa mga may diabetes dahil nakatutulong din ito sa proteksyon ng mga bato.
 
Samantala, ang irbesartan ay madalas namang inirereseta sa mga pasyenteng may problema sa kidney o diabetic nephropathy.
 
Ipinaliwanag ng mga eksperto, bagama’t magkakapareho ang mga ito ng klase, nagkakaiba-iba pa rin ang dosage, tagal ng epekto, at posibleng side effects depende sa kondisyon ng pasyente.
 
Pinayuhan din ang publiko na huwag basta-basta iinom ng gamot nang walang reseta ng doktor, dahil mahalagang ma-tailor ang gamutan ayon sa indibidwal na pangangailangan.
 
Idinagdag pa ng mga health expert, mas magiging epektibo ang gamutan kung sasabayan ito ng malusog na pamumuhay tulad ng pagkain ng balanseng diyeta, regular na pag-eehersisyo, at pag-iwas sa sobrang asin at stress.
 
Binigyang-diin na ang maagang pagpapatingin at tamang paggamit ng mga gamot ay susi upang maiwasan ang mga komplikasyon ng altapresyon.

About The Author