![]()
Ayon sa mga eksperto, may mga itinuturing na best time sa pag-inom ng tubig at hindi lamang kapag ikaw ay nauuhaw.
Ipinapayo ang pag-inom ng tubig pagkagising upang marehydrate ang katawan sa nawalan ng tubig habang tulog.
Maganda rin sa kalusugan ang pag-inom ng tubig bago kumain upang madaling matunaw ang pagkain at makontrol ang appetite.
Kailangan ding uminom ng paunti-unti habang kumakain para mas makatulong maabsorb ng katawan ang nutrients.
Gayundin, best time to drink water ay pagkatapos mag-exercise upang mapalitan ang nawalan ng tubig sa katawan.
Ipinapaalala rin ang pag-inom ng tubig bago matulog para manatiling hydrated habang tulog.
