dzme1530.ph

Alamin ang benepisyo ng mangosteen sa kalusugan

Ang mangosteen ay isang tropikal na prutas na kilala sa maasim at matamis nitong lasa.

Ito ay mayaman sa mga bitamina at mineral na makatutulong upang lumakas ang resistensya tulad ng protein, calcium, magnesium, potassium, vitamin A, at vitamin C.

Ayon sa mga eksperto, taglay ng mangosteen ang mataas na kapasidad ng antioxidant na proteksyon laban sa free radicals at anti-inflammatory properties para sa sugat at pamamaga ng bahagi ng katawan.

Makatutulong din ang pagkain ng mangosteen upang makontrol ang blood pressure, blood sugar, at cholesterol level kung kaya’t ito ay mabuti para sa kalusugan ng puso.

About The Author