dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYO NG EPSOM SALT SA KATAWAN

Loading

Ang Epsom salt o magnesium sulfate ay karaniwang ginagamit upang mabawasan ang pananakit ng muscles, pamamaga, pantanggal ng stress, at mapaganda ang kalidad ng tulog.
 
Nakatutulong ang Epsom salt na ma-replenish ang magnesium level sa katawan, mapaganda ang balat, at kung ihahalo sa inumin ay nakakatulong sa constipation.
 
Inirerekomenda ang Epsom salt baths sa mga atleta at indibidwal na may chronic pain tulad ng arthritis upang mabawasan ang muscle tension, pananakit, at joint swelling.
 
Nakababawas din ito ng stress at nakakatulong sa relaxation dahil ang magnesium na naa-absorb ng balat ay nakakatulong sa pagpapakalma ng katawan kaya’t naiiwasan din ang insomnia.
Ang Epsom salt bath ay nakakatulong din na mapaganda ang balat, nakaka-exfoliate ng dead skin cells, at maaaring makatulong sa inflammation dulot ng psoriasis at eczema.
 
Ginagamit rin ang Epsom salt para panlaban sa athlete’s foot at paggamot sa namamagang ingrown toenails.
 
Ang sulfates sa Epsom salt ay nakakatulong na alisin ang toxins sa katawan. May laxative effect din ito kung ihahalo sa inumin kaya’t nakakatulong sa constipation.
 
Kung gagamitin sa pagligo, maghalo lamang ng isa hanggang dalawang cups ng Epsom salt sa warm bath at magbabad ng hanggang 15 minuto.
 
Kung para naman sa foot soak, maghalo lamang ng 1/2 cup ng Epsom salt sa warm water at ibabad ang paa ng 15 minuto.
 
Para sa skin care, gamitin ang Epsom salt bilang exfoliant o scalp scrub.

About The Author