dzme1530.ph

Akusasyong planado ang pagpapabalik ng articles of impeachment sa Kamara, inalmahan

Loading

Umalma si Senate President Francis Escudero sa mga alegasyon na planado ang naging aksyon ng impeachment court na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment.

Tanong ni Escudero kung pati ba ang pag-init ng ulo ng ilang mga mambabatas at ang tagal ng kanilang pagtalakay ay napaplano.

Aminado ang Senate Leader na maaaring sabihin ninoman ang nais nilang sabihin pero naninidigan siyang wala silang itinago.

Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi siya pabor sa pagsasagawa ng caucus dahil mas nais niyang nagaganap ang lahat ng pagtalakay sa plenaryo upang napapanood at napapakinggan ng lahat.

Sa ganitong paraan aniya ay ang publiko na ang huhusga sa kanilang mga hakbangin.

About The Author