dzme1530.ph

Akusasyon ni civic leader Teresita Ang-See laban sa POGO hearings, inalmahan

Umalma si Sen.  Sherwin Gatchalian sa akusasyon ni civic leader Teresita Ang See na nagiging anti-China na ang pagdinig sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac na nagsasangkot kay Bamban Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Gatchalian na unfair ang akusasyon dahil nagsasagawa sila ng vetting process sa bawat testimonya at mga dokumentong inihaharap sa pagdinig.

Mayroon din anya silang katakut-takot na research upang mabigyang linaw sa bawat bagay na kanilang tinatalakay sa kumite.

Binigyang-diin pa ng senador na ang kanyang pakay sa pagsisiyasat ay nakapokus din sa krimeng nangyari at hindi lamang sa kung anong lahi ang mga sangkot.

Kinumpirma rin ni Gatchalian na magsasagawa sila ng executive session sa susunod na linggo kaugnay sa isyu ng POGO hub sa Tarlac subalit hindi anya imbitado dito si Mayor Guo.

Sa tantya naman ng senador posibleng kailangan pa nilang ipatawag ng ia pang beses ang alkalde bago makumpleto ang mga kailangan nilang impormasyon bukod pa sa pag-imbita rin sa ama nitong si Angelito Guo.

About The Author