dzme1530.ph

AKUSASAYON SA PAGTANGGAP NG PERA MULA KAY ZALDY CO, DINEDMA RIN NG 2 PANG MAMBABATAS

Loading

Hindi rin binigyan pansin nina Deputy Speaker Paolo Ortega V, at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang ipinakalat na akusasyon hinggil sa pagtanggap umano ng pera mula kay Zaldy Co. 

 

Ayaw itong patulan ni Ortega dahil isa aniya itong “delusional.” 

 

Ayon naman kay Adiong, paano niya papatulan ang isang akusasyon na wala namang identity dahil sa wala itong pirma. 

 

Hindi rin nito binalak na magsampa ng kaso dahil wala naman aniya itong “probative value.” 

 

Naglabas na rin umano ng pahayag ang Phil Navy at sinabi na walang record sa kanila ang karamihan sa 18 umano’y Phil Marine Corps member na lumantad kahapon sa Club Filipino. 

 

Malinaw sa dalawang kongresista na paninira lamang ang motibo ng nasabing pahayag.

 

About The Author