![]()
Pinuri ng Young Guns ang Marcos administration sa anila’y “swift, decisive, at comprehensive response sa energy crisis.”
Partikular na tinukoy nina Deputy Speakers Paolo Ortega V, Jay Khonghun, at Rep. Zia Alonto Adiong ang effort ng pamahalaan na kausapin ang Iranian gov’t para sa matiwasay na pagdaan ng Phil-flagged vessels sa Strait of Hormuz.
Anila, ito ang halimbawa ng whole-of-gov’t approach sa pangunguna mismo ni Pang. Bongbong Marcos Jr., kung saan nagbunga ang swift diplomatic engagement sa Iran.
Para kay Ortega, ang “proactive diplomacy at practical measures” ay nagtiyak sa energy security ng bansa.
Ayon naman kay Khonghun, ang pag-release ng 20-B pesos mula sa Malampaya Gas Fund para makabili ng 2-M barrels ng refined petroleum products, kasama ang krudo, gasolina, at LPG ay pagpapakita ng tamang aksyon sa supply-side interventions.
Sa panig ni Adiong, malaking tagumpay sa ekonomiya ng bansa ang kasiguraduhang malayang makadadaan ang Phil-flagged vessels sa Strait of Hormuz dahil nangangahulugan ito ng steady supply ng langis at fertilizer na kritikal para sa bansa.
Pinuri rin ng Young Guns ang pagdedeklara ng state of national energy emergency, ang pag-activate sa UPLIFT framework para sa targeted cash subsidies sa PUV drivers, farmers, fisherfolk, at ang fuel conservation sa lahat ng gov’t offices.
