dzme1530.ph

Aksyon ng gobyerno kaugnay sa WPS, matapang, —Senador

Matapang ang aksyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyung may kinalaman sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang binigyang-diin ni Senador Robin Padilla kaugnay sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang humupa ang tensyon sa WPS.

Sinabi ni Padilla na bagama’t may desisyon ang Pangulo na labag sa kaniyang kalooban, kailangan niyang tumayo sa tabi ni Pangulong Marcos at suportahan ito.

Ipinaliwanag ng senador na nag-iimbita ang bansa sa malalayong lugar tulad Europe, US at Japan subalit hindi naman inaayos ang mga kapitbahay natin tulad ng mga miyembro ng ASEAN.

Iginiit naman ni Padilla na dapat ipaliwanag ni Pangulong Marcos sa taumbayan ang mga ginagawa niya para mas maintindihan ang kanyang mga hakbang kaugnay sa bansa.

Sa kabilang dako, hinangaan naman ng senador ang mga istratehiya ng kasalukuysang punong ehekutibo pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa.

Ngunit, dapat lamang aniya na handa ang Pilipinas sa mga hakbang na ito at ipaunawa sa publiko ang direksyon ng mga pamamaraan ni Pangulong Marcos.

About The Author