dzme1530.ph

AKAP, tuloy pa rin sa kabila ng Halalan sa Mayo, ayon sa Palasyo

Loading

Nanindigan ang Malakanyang na magpapatuloy ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa kabila nang nalalapit na Halalan sa Mayo.

Binigyang diin ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, na mahirap ihinto ang pagbibigay ng ayuda sa taumbayan, dahil marami aniya ang umaasa rito.

Batid din ni Castro ang tumataas na bilang ng mga nagugutom, sa kabila ng umiiral na assistance programs ng gobyerno.

Idinagdag ng Palace official na marami ang aalma, lalo na at nasanay na ang mga tao na kumuha ng ayuda para may maipantawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

About The Author