![]()
Kinumpirma ni AJ Raval na mayroon siyang limang anak, at tatlo rito ay sa kanyang kasalukuyang partner na si Aljur Abrenica.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ng aktres na ang kanyang panganay na anak na si Ariana ay pitong taong gulang, habang ang pangalawa na si Aaron ay pumanaw na.
Isiniwalat din ni AJ ang pangalan ng mga anak nila ni Aljur na sina Aikina, Junior, at Abraham.
Sa interview, ibinahagi rin ni AJ na nasa mabuting relasyon ang kanyang mga anak kina Alas at Axl, ang mga anak ni Aljur sa estranged wife na si Kylie Padilla.
Ipinaliwanag ng sexy actress na nagpasya siyang aminin ang pagiging ina upang matuldukan ang matagal nang tsismis at mabigyan ng kalayaan ang kanyang mga anak.
