dzme1530.ph

AirAsia naglabas ng abiso sa mga pasahero para sa kanilang system upgrade sa July 10

Inabisuhan ng Air Asia Philippines ang kanilang mga pasahero na sasakay sa kanilang domestic at international flights sa gabi ng July 10, 2024.

Ayon kay AirAsia Communications and Public Affairs Head, First Officer Steve Dailisan sisimulan ang kanilang system upgrade ng 7:00 PM ng July 10 hanggang 3:00 AM ng July 11.

Maaapektuhan aniya nito ang lahat ng online transactions sa bookings, check-in procedures, online kiosks, at bag drop sa lahat ng AirAsia-operated airports.

Pinapayuhan ang mga pasahero na kumpletuhin ang kanilang pag-check-in via airasia.com o AirAsia MOVE App, dalawang araw bago ang kanilang flight schedule.

Tiniyak naman ng Air Asia na mananatiling normal ang kanilang flight operation sa nabanggit na petsa.

About The Author