dzme1530.ph

AirAsia Move, itinanggi ang paratang na airfare manipulation

Loading

Pinabulaanan ng AirAsia Move ang paratang na minanipula nila ang local aircraft flights.

Ito’y matapos akusahan ng pamahalaan ang booking platform na nagbenta ng overpriced na ticket sa eroplano sa Tacloban City, sa Leyte sa halagang ₱40,000 o $720.

Ayon sa AirAsia Move, ang tinukoy na flight sa reklamo ay itinuturing nilang “non-existent” at tinawag itong “ghost listing.”

Nanindigan din ang booking platform na ang kanilang commission rates para sa ticket sales ay nananatili sa two percent (2%).

About The Author