Mas palalakasin pa ang Air Traffic Management System ng ating bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ito’y matapos magtungo sa bansa ang ICAO para sa isang technical mission upang mapalakas pa ng CAAP at makasabay sa modernization ng aviation sector ang bansa sa international standards.
Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo tatagal ang ICAO sa ating bansa hangang July 21 upang magsagawa ng checking sa mga pasilidad ng ating mga Air Traffic Management System sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa huli, nagpasalamat naman si Tamayo sa pamunuan ng ICAO sa pagtungo sa ating bansa at makatulong sa aviation sector ng Pilipinas. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News