dzme1530.ph

Ai-Ai Delas Alas, isang proud wife sa kaniyang 29 years old na asawa

Proud wife si Ai-Ai delas Alas sa kaniyang mister na si Gerald Sibayan dahil sa pagiging responsable umano nito.

Isa kasing responsableng provider si Sibayan sa kanilang pamilya, kaya’t nasabi ng aktres na isa ito sa ‘super gift’ sa kanya ng Panginoon.

Isiniwalat pa ni Ai-Ai, na taliwas sa iniisip ng karamihang siya ang bumubuhay kay Sibayan, dahil ito talaga ang naging provider sa kanilang dalawa habang sila ay nasa Amerika.

—sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author