dzme1530.ph

Ahensyang nasa likod ng pagpapadala ng 20 Filipino surrogate mothers sa Cambodia, papatawan ng pinaka-mabigat na parusa

Papatawan ng pinaka-mabigat na parusa ang ahensya sa Pilipinas na sinasabing nasa likod ng pagpapadala ng 20 nasagip na Filipino surrogate mothers sa Cambodia.

Sa ambush interview sa Malakanyang, inihayag ni Dep’t of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na seryosong titingnan kung talagang dawit ang isang Philippine agency sa Human Trafficking.

Iginiit pa ni Cacdac na kailanman ay hindi nila pinahintulutan ang pagpapadala ng Overseas Filipino Workers para sa mga ganitong uri ng trabaho, at iginagalang nila ang karapatan ng kababaihan.

Mababatid na nasagip ng Cambodian police ang 20 Pinay na umanoy ginagamit ng isang sindikato para sa artipisyal na pagbubuntis.

Tiniyak naman ng DMW ang tulong para sa mga biktima katuwang ang Dep’t of Foreign Affairs. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author