Isang ahas na natagpuan sa switchyard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) substation sa bayan ng Corella, sa Bohol, ang nagdulot ng power outage kaninang umaga sa ilang bayan sa lalawigan.
Ayon sa NGCP, naapektuhan ng outage ang mga bayan ng Loon, Maribujoc, Cortes, Antequera, Corella, at Sikatuna, na siniserbisyuhan ng distribution utility na Bohol I Electric Cooperative (BOHECO I).
Nangyari ang short line trippings kaninang 8:23am, 8:27am, at 8:33am.
Samantala, isang emergency power interruption ang nakaapekto sa ilang bahagi ng Bohol at Tagbilaran City simula kaninang alas-10:00 ng umaga hanggang ngayong alas-4:00 ng hapon.
Sinabi ng NGCP na mayroong critical activities na isinagawa para sa Tagbilaran Substation Upgrading Project, na maaring makaapekto sa Corella-Tagbilaran-Garcia 69 kilovolt line. —sa panulat ni Lea Soriano