Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng ₱1.6-B para sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matugunan ang pagsipa ng presyo ng karneng baboy sa merkado.
Ayon kay Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, gagamitin ang budget sa pagbili ng 13,000 finishers at 30,000 breeders sa ilalim ng hog repopulation program.
Sinabi ni Castro na target ng DA na makapag-produce ng one million finishers, habang naghihintay ng mga bakuna laban sa african swine fever (ASF).
Idinagdag ng Palace official na ang hakbang ng DA ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya sa mga mamimili ang presyo ng mga pangunahing bilihin.