Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na bawasan ng Japan ang taripa sa saging na mula sa Pilipinas, habang ang ibang mga bansa ay nakikinabang sa zero o preferential tariffs.
Ayon kay Tiu Laurel, ang Japan ang pinakamalaking market para sa lokal na saging, subalit nagbabayad pa rin ang bansa ng 18% ng taripa sa saging na ini-export ng Pilipinas simula Abril hanggang Setyembre.
Gayundin ng mas mababang 8% tariff simula Oktubre hanggang Marso, sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
Samantala, nagpatupad naman ang Japan ng zero o preferential tariffs sa saging na imported mula sa Cambodia, Laos, Mexico, at Vietnam.