dzme1530.ph

Agri, fisheries sector, lumago ng 5.7% sa Q2 2025 –PSA

Loading

Tuloy ang pagbangon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan matapos magtala ng 5.7% na paglago sa ikalawang quarter ng 2025, base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Umabot sa ₱437.53 bilyon ang kabuuang halaga ng produksyon—mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Pinangunahan ng crops ang kontribusyon, na may 56.0% ng kabuuang produksyon o katumbas ng ₱244.90 bilyon. Lumago ito ng 11.3% year-on-year, pinalakas ng double-digit growth sa palay (13.9%) at mais (27.3%).

Samantala, bumaba ng 5.9% ang livestock production sa ₱59.60 bilyon, na may 13.6% bahagi sa total output. Partikular na bumagsak ng 7.5% ang produksyon ng baboy.

Umakyat naman ng 7.0% ang poultry production sa ₱75.07 bilyon, na katumbas ng 17.2% ng kabuuang output. Naitala ang pagtaas sa produksyon ng manok (8.2%) at itlog ng manok (4.8%).

Sa kabilang banda, bumaba ng 4.2% ang fisheries sector sa halagang ₱57.96 bilyon, na may 13.2% na ambag sa total agri-fisheries output para sa nasabing quarter.