Humirit ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkaroon ng agriculture at automotive subject sa mga paaralan sa bansa.
Binigyang diin ng ECOP na ang dalawang panukalang subject na ito ay in demand at mas kailangan ng mga industriya.
Giit ng ECOP na kapag naisama ang subject na agriculture at automotive ay mababawasan ang bilang ng mga job mismatch o yung mga trabaho na hindi akma sa natapos na kurso.
Dagdag pa ng ahensya, kasunod na rin ito sa lumabas na datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming mga employer ang tumatangging kumuha ng mga empleyado na nagtapos sa senior high school dahil kapos pa ang mga ito sa soft skills.