dzme1530.ph

Agarang pagsasaayos sa malawak na pinsalang idinulot ng bagyong Pepito sa Bambang Bypass Road sa Nueva Vizcaya, ipinag-utos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagsasaayos sa malawak na pinsalang idinulot ng bagyong Pepito sa Bambang Bypass Road sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa pag-iinspeksyon ng Pangulo sa bypass road, iniulat ni Project Engr. Elmer Escobar na dalawang bahagi ng kalsada ang napinsala, kung saan ang unang portion ay umabot sa 60 linear meters ang bitak, at gumuhong 131 linear meters sa ikalawang portion.

Pumalo umano sa ₱ 15.5 million ang kabuuang halaga ng pinsala.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na ginagawa na ang plano kasama na ang flood control ng bypass road, upang hindi na muli ito masira sa mga susunod pang bagyo.

Samantala, nagsagawa rin ang Pangulo ng aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito sa Nueva Vizcaya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author