![]()
Inatasan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga building officials at municipal engineers na inspeksyunin ang lahat ng apektadong gusali at imprastraktura matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu.
Ipinag-utos din ni Dizon na magsumite ang mga opisyal ng kumpleto at detalyadong ulat sa loob ng 15 araw.
Binigyang-diin ng kalihim ang mahigpit na pagtupad sa regulasyon ng National Building Code Development Office, gayundin ang paggamit ng earthquake recording instruments at koordinasyon sa mga kaukulang ahensya para mapabilis ang rehabilitasyon ng mga nasirang istruktura.
