dzme1530.ph

Aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, sumampa na sa mahigit 8k

Loading

Umabot na sa 8,253 ang mga aftershock na naitala ng PHIVOLCS, kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong nakaraang Martes.

Sa update kaninang 8 a.m., sinabi ng PHIVOLCS na 34 sa mga aftershock ang naramdaman, na may lakas sa pagitan ng Magnitude 1.0 hanggang 5.1.

Inihayag ng ahensya na pababa na ang bilang ng mga aftershock kada araw.

Idinagdag ng PHIVOLCS na normal at natural lamang ang pagkakaroon ng aftershock, lalo na kung mataas ang magnitude ng main earthquake.

About The Author