dzme1530.ph

Aftershocks ng lindol sa Davao Oriental, sumampa na sa mahigit 1,000

Loading

Umakyat na sa mahigit 1,000 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Davao Oriental noong Biyernes.

Ayon sa PHIVOLCS, hanggang kahapon ng tanghali ay umabot na sa 1,111 aftershocks ang kanilang naitala.

Sa naturang bilang, 511 ang plotted habang 14 ang naramdaman, na may lakas sa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 5.8.

Tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental noong Biyernes ng umaga, habang ang magnitude 6.8 ay naitala naman noong Biyernes ng gabi.

Una nang nilinaw ng PHIVOLCS na ang ikalawang lindol ay hindi aftershock.

About The Author