Magsisilbing host ang AFP Western Command (WESCOM) sa dalawang high-impact activities para sa Balikatan exercise na itinakda sa April 22 hanggang May 10.
Ayon kay WESCOM Chief, Vice Admiral Alberto Carlos, ang dalawang major combined joint all domain operations events na gaganapin sa Palawan ay ang training on Maritime Key Terrain Security Operations at High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion (HIRAIN) operations.
Bago pa man ang drills, sinimulan na ng US military units ang paglalagay ng logistics infrastructure sa joint operational area sa WESCOM.
Ang mga participant ay sasabak sa simulations, live-fire drills, at tactical exercises, para sa layuning pagbutihin ang kooperasyon at palakasin ang kapabilidad ng AFP at US Military.