Iginiit ni Defense Sec. Gilberto Teodoro na hindi mandato ng Armed Forces of the Philippines na hadlangan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Teodoro na nang araw ng pag-aresto ay inatasan niya ang militar na sumuporta sa Philippine National Police dahil bahagi ng kanilang katungkulan ang tumulong sa law enforcement operations.
Iginiit ng kalihim na kung kinuwestyon ng AFP ang pag-aresto ay pagsalungat ito sa utos ng konstitusyon na civilian supremacy o pangingibabaw ng civilian authority.
Ang pahayag ni Teodoro ay sagot sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na nakababahala ang pnanahimik at kawalan ng aksyon ng AFP sa anya’y extra rendition o state kidnapping sa kanyang ama na dating commander in chief.
Ipinaliwanag naman ni Teodoro na papasok ang AFP sa law enforcement operations kapag hiniling ng PNP.