dzme1530.ph

AFP, PNP, sinelyuhan na ang area ng target sa Maimbung, Sulu

Isang perimeter na ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa paligid ng target na si dating Vice Mayor Pando Mudjasan.

Ayon kay Brigadier General Eugenio Boquio, Commander ng 101st Infantry Battalion, sinelyuhan na nila ang area ng target para masigurong walang papasok o lalabas sa kampo ng grupo ni Mudjasan.

Dagdag ni Boquio, sa araw na ise-serve ang warrant of arrest sa dating vice mayor ay nakakuha sila ng impormasyong may mga ilang supporter ang nagtungo sa kampo ni Mudjasan.

Aniya, kabilang sa mga kasama ng kampo ni Mudjasan, ang kanyang mga kamag-anak na galing ng MNLF, ito ay dahil hindi pa sanction ng MNLF si Mudjasan, gayundin ang kanyang mga sympathizer.

Sa ngayon ay nasa 20 hangang 30 katao ang nasa loob ng kampo ng kalaban, pero naniniwala si Boquio na bago ito ay nasa 50 katao ang nakalaban ng mga sundalo sa unang araw ng engkwentro. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author